Maligayang Pagdating sa Eckerö Line!

Ang kompanyang Finnish na Eckerö Line ay nagseserbisyo sa pagitan ng Estonia at Finland nang mahigit 30 taon, nag-aalok ng mabilis, maginhawa, at ligtas na paglalakbay sa dagat sa pagitan ng Helsinki at Tallinn.


Mahusay na day tour - madali at sulit!

  • Ang dalawang European na kapitolyo ay magkalapit kaya ang pagbisita ay kayang gawin sa loob ng isang araw!
  • Ang UNESCO Heritage site sa lumang bayan ng Tallinn ay isang magandang destinasyon sa lahat ng panahon!
  • Para sa pang-araw na paglalayag, hindi mo kailangang magdala ng bagahe. Magbiyahe nang magaan!
  • Ang parehong Schengen visa ay sumasaklaw sa parehong Finland at Estonia.
  • Ang parehong salapi, EURO/€ ay parehong ginamit sa Finland at Estonia.
  • Ang parehong mga lungsod ay ligtas at malinis, maiinom ang tubig mula sa gripo.
  • Pagsamahin ang cruise at ang pagbisita sa lungsod, para sa isang perpektong araw!

Mga Paglalayag - I-enjoy ang iyong oras sa Baltic sea!

Kami ay umaasa na sa pagtungtong mo sa MS Finlandia, Ikaw ay makaramdam ng malugod na pagtanggap at magkaroon ng pinakamahusay na paglalakbay sa amin! Sa panahon ng paglalayag, maaari mong matamasa ang pinakamahusay na mga napapanahong mga produkto at pagkaing Finnish sa aming mga restawran, makibahagi sa versatile na pang-aliw na mga programa, bumili sa aming mga tindahan, o magpahinga lamang sa cabin at tamasahin ang magandang tanawin ng Dagat Baltic. Masiyahan sa iyong oras sa Dagat Baltic sa iyong daan papuntang Tallinn! Ang paglalayag ay aalis sa Helsinki ng 09:00 ng umaga, at makakarating sa Tallinn ng 11:15, ito ay anim na oras para bisitahin ang Tallinn at makakabalik mula sa Tallinn ng 18:30, at makakabalik sa Helsinki ng 21:00
Tingnan ang aming iskedyul ng paglalayag sa wikang Ingles dito.

Package ng Hotel sa Tallinn

Kung nais mong matuklasan ang Tallinn ng mas detalyado at manatili sa lungsod nang mahigit isang araw, mag-aalok kami ng mga hotel package na may kasama ng akomodasyon sa Tallinn. Ang aming mabilis at modernong sasakyang pandagat na MS Finlandia ay dadalhin ka sa Tallinn at ibabalik ka sa iyong pinagmulan, ito ay nag-aalok ng magandang oras sa Dagat Baltic! Sa Tallinn, kami ay nag-aalok ng akomodasyon sa mahigit 20 na iba’t ibang hotel na magugustuhan ng lahat: Ito ay parehong five-star at pampamilyang mga hotel, mga SPA hotel at mga akomosdasyon na may diskuwento sa mga hotel sa sentro ng lungsod ng Tallinn, pati na ang lumang lungsod at ang mga kalapit na mga lugar.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa aming mga hotel package, mag-click dito.


MS Finlandia, ang asul at puti na barko!

Ang aming mabilis at modernong pampasaherong barko na MS Finlandia ay dadalhin ka bawat araw mula Helsinki patungo sa sentro ng lungsod ng Tallinn! Ang MS Finlandia ay may hanggang anim na biyahe sa isang araw. Sa loob ng 2 oras at 15 minuto na paglalakbay sa dagat, masisiyahan ka sa pinakamasarap at napapanahon na mga produkto at pagkaing Finnish sa aming mga restawran. Makibahagi sa versatile na programang nagbibigay-aliw, bumili ng mga produkto sa aming mga tindahan, o magpahinga sa cabin at masiyahan sa magandang tanawin sa dagat ng Baltic. Ang MS Finlandia ay kayang maglulan ng 2,500 pasahero at hanggang 665 sasakyan (kasali ang mga bus) Mayroon itong 200 cabin, 2 tindahan, isang business-class na lounge, modernong conference centre, iba’t-ibang mga bas at restawran at palaruan para sa mga bata.
Mag-download ng gabay sa barko ng aming barko na MS Finlandia dito!


Ang Pinakamasarap na Pagkaing Finnish! 

Ang ipinagmamalaki ng barko - ang Eckerö Buffet restawran ay kayang maglaman ng 400 katao, ay nag-aalok ng iba’t ibang napapanahon na pagkaing Finnish mula sa dagat, lupa, lokal na hardin, at kagubatan! Kasama sa buffet ang walang limitasyong pagkain mula sa masaganang malamig at mainit na buffet at inumin. Ang aming Bistro & Cafeteria Satama ay nag-aalok ng mga pagkain mula sa maliliit na appetizer hanggang sa maiinit na mga pagkain, gaya ng tradisyonal na shrimp sandwiche, salad, pie, cake at mga inihaw na pagkain. Perpekto ang magkaroon ng Finnish na hapunan kapag ikaw ay pabalik mula sa Tallinn patungong Helsinki.

Mga CABIN upang mas maginhawa

Ang aming mga cabin ay nagbibigay ng higit pang pagkapribado habang naglalayag. Ito man ay maglalakbay na kasama ang mga bata o may maliit na grupo. Ang mga cabin ng MS Finlandia ay may mga pribadong palikuran, paliguan, at magagandang tanawin ng karagatan! Sa cabin, maaari kang magpahinga pagkatapos ng mahabang araw o maagang gumising, o maaari mong iwanan ang iyong mga bagahe at mga gamit at kumain sa restawran ng barko o mag-shopping sa Eckerö Market. Pinakamahusay na Pagkapribado- ang cabin ay may sariling personal na espasyo habang naglalawig!

Business LOUNGE

Magkaroon ng ilang dagdag na kaginhawaan sa iyong paglalayag sa pamamagitan ng paglalakbay sa aming Business Class. Kasama sa presyo ng Lounge ticket ang isang personal na upuan sa isang tahimik na lounge na may napakabilis na WIFI, sariwang mga prutas, matatamis at masasarap na meryenda pati na inumin gaya ng: tsaa, bagong kape, mga juice, soft drinks, draft beer at wine. I-upgrade ang iyong paglalakbay sa Business Class at magkaroon ng mas nakakarelaks na paglalakbay!

Mga tindahan sa Barko 

Ang Eckerö Market ay nag-aalok ng pinakapopular na brand ng mga pabango, pampaganda, at mga produkto ng pangangalaga sa balat. Ang mga brand na Finnish gaya ng Lumene ay makikita doon! At dagdag pa sa mga pabango, ang Eckerö Market ay may maraming pagpipilian sa mga matatamis at tsokolate at may maraming pagpipilian sa iba’t ibang klase ng inumin. Para sa mga pasahero na nagmula sa labas ng European Union, kami ay nag-aalok nga walang buwis na pamimili!